Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo tumba kay Angel

0 297

NI:VINIA VIVAR

Pinayuhan ni Angelica Panganiban si Piolo Pascual nang tanungin siya ng aktor sa Ask Angelica online show kung ano ang dapat gawin kapag mahal mo pa ang isang tao pero naka-move-on na ito.

Hindi namin alam kung para ba sa sarili niyang love life ang tanong ni Piolo or para kay Angelica. Tanong pa ng aktor, “dapat ka bang maghintay or move-on ka na rin?”

Sinagot naman ito ni Angelica. Aniya, “kung hindi ka maka-move-on sa taong mahal mo at siya, masaya na, para kang tanga, di ba? Kasi unang-una, kapag hindi ka mahal, mag-move ka kaagad. Walang ganu’n, Papa P!”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Payo pa ng aktres, “hindi ka dapat nagi-spend time sa taong hindi kayang mag-spend time sa ‘yo. Hindi mo pwedeng io-offer ang buhay mo sa isang taong in-offer na ang buhay niya sa ibang tao. So, ikaw, Papa P, mag-move-on ka na!”

Bandang huli ay nagbiro si Angelica na baka raw para sa kanya ang tanong ni Piolo dahil mahal siya nito.

“Kaya mong mag-move on sa akin. Marami ka nang pinagdaanan sa life. ‘Yung isang Angelica Panganiban ba ‘yung magpapatumba sa isang Piolo Pascual?” pagbibiro pa ni Angelica.

Ang nasabing episode ng Ask Angelica ay birthday presentation na rin ng aktres na nagdiwang ng kaarawan last Nov. 4. Ang birthday prayer naman ni Papa P sa aktres, sana raw ay matagpuan na nito ang true love.

Leave A Reply

Your email address will not be published.