Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Vice pinagtripan ni Bea; Alden dedma sa tawag

0 199

NI: Archie Liao

Sa pinakabagong entry sa kanyang vlog, tinangkang pagtripan ni Bea Alonzo ang kapatid na si James at ilang malalapit na mga kaibigan sa showbiz.

Una niyang prinank call si Kakai Bautista upang linawin dito ang mga tsikang sinisiraan siya ng komedyante.

Sagot naman ni Kakai, wala raw katotohanan ang lahat at kung sino raw man ang nagkakalat ng maling balita ay ipatutumba niya.

Sa huli, nabatid ng komedyante na pinagtripan lang pala siya ni Bea.

Ganoon din ang punto ng hanash ni Bea kay Piolo Pascual na umano’y may sama raw ng loob ang actor sa ginawang paglipat niya sa GMA-7.

Sey naman ni Piolo, iginagalang daw niya ang desisyon ng aktres kaya walang katotohanang may tampo ito sa dating leading lady.

Sa kaso naman ni Vice Ganda, nabahala ito para kay Bea nang magsumbong ang aktres na hindi sinasagot ni Dominic ang kanyang mga tawag.

Nag-propose raw kasi ang nobyo sa kanya pero ang naging sagot niya ay “No” dahil hindi pa siya handa.

Assurance naman ng Vice, kakausapin daw niya si Dom para pagpaliwanagan.

SM food to go Banner Ad

Pinakalma pa niya si Bea at sinabing pupuntahan daw niya ang actress.

Sa bandang huli, napamura na lang si Vice nang malamang ginugudtaym lang siya ni Bea.

Pagbabanta pa nito, tatandaan daw niya ang prank ni Bea at gaganti siya rito.

Tinangka namang tawagan ni Bea ang “Start Up” leading man na si Alden Richards pero busy ang telepono.

Hirit niya, abala raw marahil sa online gaming ang actor kaya dinedma siya nito.

Napaniwala naman ni Bea sa kanyang acting ang kapatid na si James nang ikumpisal niya rito ang diumano’y problema niya.

Aniya, buntis daw siya at natatakot siyang mademanda ng “breach of contract” at siguradong magbabayad siya ng milyones sa GMA-7.

Naisip nga raw niyang ibenta na pati ang malawak na farm na pagmamay-ari niya sa Zambales.

Bulalas naman ni James, wala na raw silang magagawa kundi tanggapin na lamang ang kanyang kapalaran.

Sobrang inis naman ng kanyang brother nang madiskubreng pina-prank lang pala siya ni Bea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.