Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo walang dyowa, expert magreto

0 465

ROMMEL PLACENTE: Sa Jojowain o Totropahin vlog ni Robi Domingo kasama si Maiqui Pineda (gf niya) napag-usapan si Piolo Pascual. Siya ang dahilan kung bakit nagkakilala at nagkaroon sila ng relasyon.

Sabi ni Maiqui,”We owe him everything. So, thank you Piolo.”

Ikinwento naman ni Robi kung paano sila nagkakilala ni Maiqui

“So there was this party, during this Christmas. Katatapos lang ng ABS-CBN Christmas Special nu’n. Every year naman, naga-attend ako ng after-party.Pero nu’ng year na ‘yun, sabi ko, pagod na ‘ko, ayoko na. But then again, this guy (Piolo), na jojowain namin pareho (ni Maiqui), called and said, ‘Bro, nasaan ka na?’”‘Sabi ko, ‘Papa P ayoko na, pagod na ‘ko.’ Sabi niya, ‘Mahiya ka naman. Isipin mo na lang yung oras na ibinigay sa ‘yo, ‘yung tiwalang ibinigay sa ‘yo ng ABS-CBN at ‘yun na yung paraan para magpasalamat ka.’ After that, ‘yun, umakyat ako.

“In that event, I showed lots of gratitude. Doon nakita ko kung ano nga ba yung ibig sabihin ng Kapamilya, at doon ko rin nakita kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagmamahal.”

Nu’ng time na ‘yun ay naroon din pala si Maiqui .

“So I was alone lang kasi. No, I wasn’t alone, pero I didn’t know anyone except Robi. Ateneo, you know, we’re batchmates, but we’re not naman friends. Like we just knew of each other. So I said ‘hi’ to him,” pagbabalik tanaw ni Maiqui, and the rest gaya ng sabi nila is history.

O, di ba mga ka-Cuatros mabuti na lang at napilit ni Papa P si Robi na umatend ng after-party.Siya talaga ang naging dahilan kung bakit may namuong relasyon kina Robi at Maiqui.

O, baka destined din naman talaga that night na magkakilala at magkaroon sila ng relasyon.

RODEL FERNANDO: Nawa’y maging maligaya na si Robi sa bagong love niya na si Maiqui. After ng medyo hindi magandang relasyon niya kay Gretchen Ho ay mukhang natagpuan na niya ang tamang babae sa kanyang buhay. Sa mabulaklak na litanya ng binata tungkol sa gf niya ay parang ito na ang magiging forever niya. Sana ay huwag nang magbago ang ihip ng hangin at ‘yung 2 years na relasyon nila ay madagdagan pa ng maraming taon hanggang sa church na sana ang tuloy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anyway, hindi ako masyadong intresado sa lovelife nila mas nakakaintriga ang tila paramdam ni Robi sa pagiging Adan niya. Minsan kasi ay pinag-usapan ang malaking bukol sa kanyang hinaharap. Sabi nga ay may ipinagmamalaki pala raw siya. Bagay na nagustuhan naman ng mga girl at mga bading. At heto pa ha, may kumakalat siya ngayong litrato na litaw ang kili-kili niya na may malabong balahibo. Sey ng isang nag-comment ay mukhang masarap daw ang kili-kili ng binata. ‘Yung isa naman ay sinabi na ambango raw ng armpit niya at gusto nitong subsubin.

MILDRED A. BACUD:Kahit kina Alex Gonzaga at Mikee Morada ay si Piolo Pascual din ang nagreto. Magkaibigan kasi ang aktor at ang asawa ni Alex.

Kwento niya, kinulit daw niya si Papa P. na makilala si Alex. Kaya naman naging tulay siya. Success naman dahil nagkatuluyan nga ang dalawa.

Mahusay rin magreto si Piolo. Ang tanong bakit daw siya ay walang girlfriend hanggang ngayon. Ang huling babaeng na-link sa kanya ay si Shaina Magdayao pero pagkatapos ng ilang dates ay wala ng balita. Ganun ba yun mga ka-Cuatros, walang pinag-iba sa paniniwala na magaling lang daw tayo magpayo sa iba pero sa sarili natin ay hindi. Parang si Papa P. na magaling magreto pero walang nobya?

ROLDAN CASTRO: Infer kay Piolo , dalawang mag-dyowa ang napasaya niya, huh!

Hayaan na natin ang lovelife ng aktor. Feeling ko naman happy at contented siya pag nakikita ang mga post niya sa Instagram.

Nagi-enjoy siyang nagliliwaliw sa dagat, bundok at sa pagtatanim.

Nandiyan naman ang anak niyang si Inigo na mag-aalaga sa kanya pag tumanda siya.

Kung darating ang tamang partner ni Papa P ay darating.

Ganoon na lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.