Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo wasak ang puso sa binagyong halaman

0 245

Certified “plantito” na pala talaga si Piolo Pascual dahil sineseryoso niya ang paghahalaman sa kanyang farm sa Batangas. Kung saan-saan daw siya nakakarating na probinsiya para lang mamili ng halaman.

Ito raw talaga ang pinagkaabalahan niya ngayong pandemic at hindi nga raw birong halaga ang kanyang nagagastos.

“I spent quite a fortune losing some of my plants,” aniya sa panayam niya sa Monster RX 93.1 last Wednesday.

At dahil nga malapit sa dagat ang kanyang bahay, nang magkaroon ng malakas na bagyo last year ay nasira lahat ang mga halamanan at mga panamin niyang gulay.

“I was really in shock for 30 minutes. It’s like all the hard work, all the travels from different places – Bulacan, Laguna, Batangas, everywhere just so I could get a lot of plants and it’s just wiped out in 20 minutes. I was hurt, I was deeply broken,” kuwento ni Papa P.

Inisip na lang daw niya na parang ito ang kanyang tuition fee sa paghahalaman.

SM food to go Banner Ad

“And then, after that, I started becoming more patient, more disciplined into choosing which plants would thrive in that place, what plant would thrive in certain type of water, and yeah, through time, I was able to understand better,” aniya.

Ngayon daw ay may mga kaalaman na siya kahit paano sa paghahalaman at sa ngayon ay dito raw siya naka-focus aside of course from his showbiz career.

“Even in my room, I have plants. So I have plants all around me. They’re the ones that keep me busy when I’m at home,” sey niya.

Pagbabahagi pa niya, bumili nga raw siya ng industrial L-300 last Christmas bilang regalo niya sa sarili para raw mailipat-lipat niya ang kanyang mga halaman.

“I enjoy it. I enjoy the sustainable kind of living, you know. I enjoy eating my own produce, you know. You plant it and then, after a couple of weeks, you eat it like with the sili, talong, kamatis, everything, you know. It’s all in your backyard. So, it’s quite exciting, you know,” lahad pa ni Papa P.

Leave A Reply

Your email address will not be published.