Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piraso ng Korean rocket babagsak, mangingisda pinag-iingat

0 109

Pinag-iingat ng Bu­reau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangingisdang papalaot mula Oktubre 22 hanggang 28 sapagkat maaaring may mga malaglag na parte ng space rocket Nuri ng Korea Aerospace Re­search Institute.

Sabi ng BFAR, na­katakdang ilunsad si Nuri sa Oktubre 21 ngunit maaaring maan­tala ito dahil sa panahon at umabot ng hanggang Oktubre 28.

SM food to go Banner Ad

Posible anilang may mga mahulog na bakal mula sa rocket sa paglunsad nito at maaaring maanod ito sa karagatan.

Pinapayuhan ng BFAR ang mga mangingisda at mga papalaot na iwasan ang lugar ng Sta. Ana, Cagayan at sa Tandag, Surigao del Sur na tinukoy na drop zones. Inaasahang may makitang debris sa karagatan 730 kilometro ang layo mula sa Sta. Ana at 383 kilometro mula sa Tandag.

Pinaiiwasan ang mga naturang lugar mula alas-2:00 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.