Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pirma pineke ng isangla sa banko

0 341

Dear Atty. Claire,

Magandang hapon po. Ako po ay si Henry ng Taytay, Bacolod City.

Ang lupang tinitirahan namin ay isang compound na halos kulang kulang 3 hektarya mula sa angkan ng mga kapatid ng aking biyenan.

Eto po ay isinanla ng kapatid sa bank na halos 15 years na ang nakakaraan sa pamamagitan ng pagpalsipika ng pirma ng mga kapatid nya at tumakas pa puntang ibang bansa hangang ito ay ma remata na.

Ang aking katanungan ay nais po naming humingi ng isang payo na aming magagamit sa pakikipag- usap sa bank para bilhin ang lupa na tinitirikan ng aming tahanan at ilang parte, dahil nanangamba po kami na baka isang araw ay may dumating na notice mula sa bangko o baka isang araw may tao na dumating at kami po ay pa alisin na. Umaasa sa iyong payo.

Henry

SM food to go Banner Ad

Henry,

Maganda sana ang laban ninyo na ma-question ang sinasabi mong sanglaan kung totoong napeke ang pirma ang ilang co-owners.

Ngunit dahil sa tinulugan ninyo ang karapatan ninyo na mapawalang bisa ang sanglaan ay hindi na ninyo iyan mahahabol pa dahil lalabas na ang pangsangla ay pinayagan din ng iba pang mga may-ari ng lupa.

Ang gagawin na lamang ninyo ay puntahan ninyo muna ang Register of Deeds kung saan nakarehistro ang lupa at alamin ang kung ano ba ang status ng titulo ng kamag anak ninyo. Kapag lumabas na sa bank na nakapangalan ay talagang walang duda na naubos na ang panahon na tubusin ito mula sa bank. Kaya ko ito sinasabi ay baka wala pa namang foreclosure na nangyari at maaari pa ninyong habulin.

Kung wala ng pag-asa dahil sa nakapangalan na sa bank ang titulo ng lupay ay puntahan na lamang ninyo at kayo ang mag offer to buy. Alamin ninyo ang scheme of payment kung paano ngunit kadalasan kasi ay nais ng bank ng full payment at hindi hulugan na nais sana inyo.

Ang bank naman ay maraming pamamaraan kung nais nitong ibenta ang isang asset. Baka sila ay pumayag sa plano ninyo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.