Abante Tonite Interactive

Pisikal na aktibidad, tamang oras ng tulog susi ng malusog na tsikiting — WHO

418

Isinusulong ngayon ng World Health O­rganization (WHO) sa bagong inilabas nitong alituntunin ang pangangalaga ng kalusugan habang bata pa.

Ang mga batang limang taon pababa ay kailangang gumugol ng mas maiksing oras sa mga panonood o pagkalantad sa gadget, makakuha ng mas mahabang tulog at magkaroon ng mas mahabang oras para sa aktibong paglalaro sa labas upang silay maging malusog.

Ilan lamang ito sa nilalaman sa bagong panuntunan ng WHO na binuo ng mga eksperto na nagsuri sa epekto ng mga batang kulang sa tulog, mahabang oras ng panonood.

“Achieving health for all means doing what is best for health right from the beginning of people’s lives. Early childhood is a period of rapid development and a time when family lifestyle patterns can be adapted to boost health gains,”pahayag ni WHO Director-Ge-neral Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Ang kabiguang matugunan ang mga rekomendasyong pisikal ay responsable sa pagkamatay ng mahigit 5 milyong katao sa buong mundo kada taon. Sa ngayon nasa mahigi­t 23% ng nasa tamang edad at 80% ng mga kabataan ay hindi aktibong pisikal. Kung masimulan ng maaga na maisabuhay ang pisikal na aktibidad, maiwasan ang laging nakaupo at maayos na pagtulog, ay makakatulong ito hanggang sa pagtanda.

Ang pattern ng kabuuang 24 – oras na aktibidad ay susi upang mapalitan ang matagal na oras na pag-upo sa mas aktibong paglalaro, habang tinitiyak na ang mga bata ay nakakakuha ng sapat na tulog. Ang kalidad ng isang non-screen-based activities na may tagapanga-laga, tulad ng pagbabasa, pakukuwento, pagkanta at mga puzzle, ay napakahalaga para sa pagpapaunlad ng bata.

Ang kahalagaha­n ng interaksyon sa pagitan ng pisikal na aktibidad, sapat na oras na tulog, at ang epekto sa pisikal at mental na kalusugan ng mga bata, ay kinikilala ng Commission on Ending Childhood Obesity.

Ang pagpapatupad ng mga rekomendasyon sa mga pa-nuntunang ito sa loob ng u-nang limang taon ng buhay ay makakatulong sa pag-unlad sa kalusugan ng bata.

Isang taon pababa
Ilan sa mga rekomendasyon sa mga sanggol: maging pisikal na aktibo nang mara- ming beses sa isang araw sa iba’t ibang paraan, lalo na sa pamamagitan ng interactive floor-based play. Para sa mga hindi pa gaanong kumikilos, kabilang dito ang hindi bababa sa 30 minutos na pagpapadapa na nakaangat ang ulo (tummy time) habang gising.

Habang nakaupo ang bata ay samantalahin ang pagkukuwento, pagbabasa at huwag pagsabayin ang panonood.

0-3 buwan na sanggol o 4-11 buwan
Dapat magkaroon ng 14-17 oras na tulog ang 0-3 buwan na sanggol o 12 hanggang 16 na oras ang 4-11 na buwan na sanggol upang makuha ang tamang tulog, kabilang ang mga pag-idlip.

Batang 1-2 taong gulang
Dapat hindi baba sa 180 minuto sa iba’t ibang uri ng mga pisikal na aktibidad sa anumang intensity, kabilang ang katamtaman-hanggang-palakas na pisikal na aktibidad, sa loob ng maghapon.

Hindi dapat tumagal ng mahigit 1 oras sa isang pagkakataon o umupo para sa mas mahaba habang oras. Para sa mga 1-taong-gulang, hindi inirerekomenda ang panonood ng TV o vide­o, pag-lalaro ng mga laro sa computer.

Para sa mga may edad na 2 taon, ang pag-upo ay hindi dapat hihigit sa 1 oras. Kapag laging nakaupo, inirekomenda ang pakikinig sa pagbabasa at pagkukuwento kasama ang tagapag-alaga.

Dapat makatulog ito ng 11-14 oras, kabilang ang mga pag-idlip, na may regular na pagtulog at paggising na mga oras.

Mga batang 3-4 taong gulang.
Sa edad na ito, kailangang makatulog ito ng 10-13 oras, kasama na ang pag-idlip. (Mina Aquino)