Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piskal ng DOJ pumanaw sa cancer

0 112

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Justice sa naulilang pamilya ng nasawing itinuturing na mahusay na piskal ng DOJ na si Senior State Prosecutor Juan Pedro “JP” Navera.

Nabatid na si Navera ay namatay dahil sa sakit na cancer, ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra.

Si Navera ay nagmarka sa pagiging tapat nito sa serbisyo.

Kabilang sa malalaking kasong nahawakan nito ay ang Maguindanao Massacre case at kaso ni PDAF scam whistle blower Benhur Luy.

Pinangunahan din ni Navera ang hatol ng tinaguriang Chin Drug syndicate na sabit sa P2 bilyong Subic drug case.

Leave A Reply

Your email address will not be published.