Abante Tonite Interactive

Piskal sa QC tinamaan ng bala

By
2,040

Patay ang isang deputy prosecutor ng Quezon City Regional Trial Court makaraang tambangan kahapon ng hapon.

Base sa inisyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), idineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center ng attending physician na si Dr. Janina Chavez ang biktimang si Atty. Rogelio Velasco.

Naganap ang pana­nambang dakong alas-4:55 ng hapon sa kahabaan ng Holy Spirit Drive sa Don Antonio Heights malapit sa Puregold Jr. sakop ng Brgy. Holy Spirit.

Abante Hiring – IT dep

Binabaybay umano ng biktima ang kahabaan ng Holy Spirit Drive sakay ng kulay pulang Toyota Innova na may plakang DND 449 ngunit pagdating nito malapit sa Puregold Jr. ay biglang hinarang ng kulay puting Toyota Innova na may plakang NXR-256 at pinagbabaril.

Matapos ang ­pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Ayon sa mga im­bestigador ng CIDU na rumesponde sa pinangyarihan ng krimen, nagtamo ng 15 tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang ­sasakyan ng ­biktima upang ­siguraduhin marahil na mapapatay ito.

Hinala ng pulisya na may kinalaman sa mga kasong hinahawakan ng biktima ang motibo kung bakit pinatay ito.
Pero patuloy pa ang imbestigasyon ng CIDU upang matukoy din ang may kagagawan ng pamamaslang.