Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piskal target ng mexican cartel

0 730

Ni Nancy Carvajal

Isang senior assistant state prosecutor ang target patayin ng mga miyembro ng kilabot na Mexican Sinaloan drug cartel ni El Chapo, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng Abante TONITE mula sa National Bureau of Investigation.

“The name of the senior state prosecutor is in the list of possible targets of assassination, his name had a corresponding check,” ayon sa insidente na nagsalita sa kondisyong huwag babanggitin ang kanyang pangalan.

Ang ranking justice official aniya ang responsable para ma-convict ang mga local drug lord, kabilang dito ang mga mayroong koneksyon sa kartel ni El Chapo.

Kasama aniya ang listahan ng mga target ng sindikato sa mga nasamsam ng NBI sa nirerentahang condominium unit ng nasakoteng suspek sa droga na si Philip Jacob Nocom sa Marikina City matapos halughugin ito kasunod ng pagkakadiskubre ng P13 milyong droga at mga malalakas na kalibre ng baril sa unit nito.

Si Nocom na gumagamit umano ng tatlong alyas (Alex Benson Vergara, John Robert Bautista, at Joseph Francis Lee), ay dineklarang dead on arrival sa Philippine General Hospital, ilang oras matapos na matagpuan itong walang malay sa loob ng selda ng NBI detention cell.

Ayon sa source, kasama ang naturang piskal sa mga nag-imbestiga at naghain ng kaso laban kay Horacio Herrera, isang Mexican national at kilalang miyembro ng El Chapo cartel.

Kinumpirma ni NBI Acting Director Eric Distor ang target list subalit tumanggi itong magbigay ng detalye dahil aniya sa seguridad.

“Suffice to say that we have information that the dead suspect was the conduit of the Sinaloan Cartel here and provides support to other members,” ani Distor.

Kasalukuyang nakakulong si Herrera sa Bureau of Corrections matapos hatulan ng habambuhay na pagkabilanggo at pinagbabayad din ng multa na P10 milyon noong Pebrero 2019.

Patuloy umano ang pagsisiyasat ng NBI sa nadiskubreng listahan ng sindikato.

“We are investigating looking for other connections of Nocom and those on the list,” dagdag pa ng source.

Samantala, misteryoso pa ang dahilan ng biglang pagkamatay ni Nocom dahil ayaw umano itong isailalim sa autopsy ng mga medical examiner hangga’t walang permiso mula sa mga kamag-anak nito.

Hanggang kahapon, wala pa umaonong kaanak na kumukuha sa mga labi ni Nocom.

“We received information that he is related to a wealthy and known businessman, plus the address in his passport and birth certificate indicated he resided in the exclusive subdivision in Makati City, but when those addresses were checked, no one knew of him,” ayon sa source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.