Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piso bumulusok pa sa dolyar

0 71

Lalo pang humina ang piso kontra dolyar nitong Huwebes, Hunyo 23, kung saan naabot na nito ang pinakamababang halaga sa loob ng 16 na taon.

Nagsara kahapon ang piso kontra dolyar sa halagang P54.7 na mas mababa kumpara sa naitala na P54.47 noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, ito na ang pinakamahinang performance ng piso mula noong Nobyembre 21, 2005, kung saan nagkahalaga ng P54.74 ang isang US dollar.

Hindi naman nababahala ang isang opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.

“The recent weakening of the peso, among the other currencies in the region, is consistent with more aggressive tightening of developed economies, particularly the US Fed,” ayon kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila sa isang virtual briefing kahapon.

Sinabi ng opisyal na pasok pa rin sa 51-53 level ang palitan ng piso at dolyar batay sa tantiya ng inter-agency Development Budget Coordination Committee para ngayong taon.

Sa tanong kung aabot sa P55 ang halaga ng piso, sinabi ni Dakila na mahirap aniyang hulaan ang currency exchange rate

Dagdag pa ni Dakila na lumakas naman ang perang padala ng mga overseas Filipino worker at inaasahang tataas aniya ito ngayong taon ng 4%.

“As there are forces that tend to weaken not just the peso but also other currencies in the region, there are other factors that provide support to the currency and these are structural sources of foreign exchange, including our very resilient remittances,” ayon kay Dakila. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.