Abante Tonite Interactive

Piso at limang piso, ano ang pagkakaiba?

Hawak ng isang lalaki ang baryang P5 at P1 na halos­ ­magkapareho ang kulay. (Mike Taboy)
1,137

Bagama’t may parehong hugis at kulay, tinukoy kahapon ng Bangko ng Sentral ng Pilipinas (BSP)ang mga kaibahan ng mga bagong P5 at P1 na barya.

Ayon kay BSP managing director for currency manage­ment Carlyn Pangili­nan, pareho ang di­senyo ng dalawang bagong barya pero marami aniyang pagkakaiba ang mga ito.

Ang bagong P5 coin ay mas makapal at mabigat kumpara sa P1 coin. May timbang aniya itong 7.4 grams, may kapal na 25 millimeters in dia­meter at mas malaki nang kaunti kaysa P1.

Makinis din uman­o ang palibot ng P5 coin kumpara sa P1 barya na may mga bako sa paligid, prominente rin sa P5 barya ang mukha ng rebolusyonaryong bayani na si Andres Bonigacio at ang imahe ng halamang tayabak.

Nauna nang hiniling ni Sen. Nancy Binay sa BSP na bawii­n ang mga bagong barya ng P5 at P1 dahi­l sa malaking kalituhan na idinudulot umano nito. Ipinaliwanag naman ni Pangilinan na binag­o nila ang disenyo ng P5 coin bilang paggunita sa anibersaryo ng araw ng kapanga­nakan ni Bonifacio noong Nobyembre 30.

Dagdag niya, layon din nila na masolusyunan ang umano’y ‘artificial shortage’ sa mga barya dahil sa ginaga­wang pag-iimpok sa mga coin banks.

“It is also to address greater coin demands during the Christmas season,” giit pa ni Pangilinan.