Abante Tonite Interactive

Piso sa laban ni Leni, naka-P6M na

By
7

Sa loob lamang ng isang buwan mula nang ilunsad ang “Piso para sa laban ni Leni”, nakalikom na ng P6 milyon at kulang na lang ng P1.4 milyon para mabuo ang kakulangan sa deposito ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ito ang ini-report ng “Piso para kay Leni Movement” kahapon kung saan mahigit 25,000 supporters ni Robredo sa lahat ng antas ng lipunan ang nag-ambagan para sa laban nito.

Magugunita na may kulang pa si Robredo na P7.4 milyon sa P15.4 milyon na ipinadedeposito sa kanya ng PET dahil sa kanyang counter-election protest laban kay dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.