Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pison kinarnap

0 147

Tinangay ng di nakilalang salarin ang isang maliit na pison na ginagamit sa konstruksiyon ng Jaen-Zaragosa road sakop ng Brgy. San Vicente, Jaen, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Police Major Baltazar Corpuz, tumawag sa kanilang himpilan si Konsehal Atty. Sylvester Austria at ipinaalam ang pagkawala umano ng isang Sakay branded TW350 single drum roller na pison na nagkakahalagang P700,000.00.

SM food to go Banner Ad

Ito umano ay pag-aari ng EA Padilla ConstructionCorporation na nakabase sa Santa. Rosa, Nueva Ecija.

Sa paunang imbestigasyon nina PSSg Gerald R Catacutan at Pat Johndle Francis M Peralta, ala-1:00 ng madaling araw nang mapansin ng ilang residente na isinakay ang pison ng mga di nakilalang salarin sa isang trak na may boom crane.

Sa pag-aakalang kasama sa construction company ang mga salarin ay wala umanong sumita sa mga nakasaksi sa pangyayari. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.