Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PisoPay bakuna card supply walang bidding – Nograles

0 72

Kinuwestyon ng isang kongresista ang kasunduan na pinasok ng Bureau of Quarantine sa online payment company na PisoPay kaugnay ng pagbibigay ng vaccination card o yellow card para sa mga Pilipino na pumupunta sa ibang bansa.

Sinabi ni Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Jericho Nograles na maaaring lumabag ang kontrata sa Build-Operate and Transfer (BOT) Law, na siyang nangangasiwa sa mga Public Private Partnership project (PPP).

Ginagamit ang yellow card bilang patunay na nabakunahan na laban sa COVID-19 ang isang indibiduwal.

Sinabi ni Nograles na batay sa pahayag ng mga opisyal ng Bureau of Quarantine at PisoPay sa pagdinig ng House committee on overseas workers affairs ay minadali ang kasunduan.

“I’d like to state for the record that the BOQ and PisoPay were probably just trying to do their best under the circumstances. However, along the way, I see your intent is good but maraming mga hindi nag-conform sa mga dapat ma-conform. The most striking for me is the competitive selection process. It’s apparent to me that the competitive selection process as provided for by the law was not followed here,” sabi ni Nograles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inamin ni BOQ deputy director Roberto Salvador na hindi umano dumaan sa bidding process ang pagpili sa PisoPay.

Aniya exempted ito sa Government Procurement Reform Act (Republic Act No. 9184) dahil walang gagastusin dito ang gobyerno.

Subalit iginiit ni Nograles na hindi man saklaw ng naturang batas, ito ay isang PPP contract kaya dapat na sumunod sa regulasyon ng BOT Law.

“If it’s not RA 9184, then it’s PPP. There is still a competitive selection process and you (BOQ) just told us that you did direct contracting without any competitive selection and subjecting without choice the people of the Republic of the Philippines, the poor people who want to work abroad, with a P70 (convenience) fee? That’s undue advantage,” sabi ni Nograles.

Lumalabas umano na nagpadala ng unsolicited proposal ang PisoPay at agad itong tinanggap ng Bureau of Quarantine. Ang masakit aniya ay eksklusibo itong ibinigay sa PisoPay. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.