Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pista ng Nazareno virus ‘superspreader’ – OCTA

0 62

Kahit kinansela ang tradisyonal na `Traslacion’ ay maituturing pa rin na superspreader’ ng COVID-19 ang kapistahan ng Poong Itim na Nazareno ngayong taon, ayon sa OCTA Research Team.

Inihayag ito ng grupo matapos dumagsa ang libo-libong deboto sa Quiapo para sa kapistahan ng Nazareno sa kabila ng mga panawagan ng mga awtoridad para maiwasan ang pagkahawa sa COVID.

“Actually hindi na nga namin iniisip ‘yan eh. Alam natin na puwedeng malaki ang effect talaga ng [pista] na ‘yan sa infection, superspreader event, totoo ‘yung sabi mo,” ani Dr. Guido David ng OCTA Research Team, sa panayam sa radyo nang tanungin kung posibleng maging sanhi ng pagsirit ng mga kaso ng COVID ang kapistahan ng Itim na Nazareno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ani David, wala silang ginawang projection o forecast ng COVID-19 sa event pero puwedeng gamitin ang inilabas na bilang ng Manila Police District (MPD) na 400,000 deboto ang dumagsa sa Quiapo Church.

Inaasahan na rin aniya ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong balik full operation na ang mga testing center at pagsasanib ng epekto ng holiday at pista ng Nazareno.

“Ang nakikita natin tataas pa ito [COVID case], tapos hindi pa kasama `yong epekto nitong [pista] na sinasabi mo, kasi posibleng mas tumaas pa. Sana naman hindi,” ani David.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.