Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pista ni Sto. Niño: Linggo ng mga sanggol

0 55

Ginugunita sa buong bansa ngayong Linggo ang Pista ng Sto. Niñ0. Ang debosyon sa Banal sa Sanggol ay may espesyal na koneksiyon sa ebanghelisasyon ng Pilipinas. Matatandaan, handog ni Ferndinand. Magellan kay Raha Humabon at kanyang asawa ang Sto. Niño noong 1521. Samakatuwid, kasabay ng pagdatal ng imahen ng Mapaghimalang Bata ang paglaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan sa higit na 500 taon.

Dahil sa malalim na debosyon sa Sto. Niño ng mga Pilipino, nagbigay ng pahintulot ang Vatican na magkaroon ng sariling pagdiriwang ang Pilipinas sa karangalan ng Banal na Sanggol tuwing Ikatlong Linggo ng Enero bilang hudyat ng opisyal na pagtatapos ng Kapaskuhan. Sa unang pagkakataon ngayong 2022, sa utos ng lokal na Simbahan ipinagdiriwang kasabay ng nasabing PIsta ang “Linggo ng Lahat ng mga Sanggol.”

Paliwanag ng Iglesya, “implied in today’s feast is a celebration in honor of children. One of the reasons why Sto. Niño is so popular in the Philippines is that Filipinos love children. A healthy society celebrates children as a gift of God. Sadly, many societies see children more as an obstacle to happiness and a treath to prosperity. As a result of this distorted thinking, abortion became widespread. Devotion to Sto. Niño helps counter this evil, reminding us that the life of every child is precious and sacred.”

Related Posts

Bukod sa ‘pagpapahalaga sa mga bata’ na paanyaya sa tanan ng paggunita sa Sto. Niño, binibigyang diin rin ng Simbahan ngayong Pista ang pagkakaroon ng malalım na kumpiyansa sa Diyos, lalo na ngayong kasagsagan ng pandemya: “The smalll statue of Magellan now in Cebu, signaling the very beginning of Christianity in the Philippines, remains to be an enduring symbol of the presence of the Lord and of the enduring love of the Filipino People for Jesus Christ.”

Walang anumang dapat tayong ikabahala giit ng Iglesya sapagkat hawak ng Diyos ang ating buhay sa Kanyang mga kamay, katulad ng ipinapahiwatig ng imahen ng Sto. Nino. Buo ang pananalig natin bilang mga deboto ng Banal na Sanggol na kasama natin ang Siya sa gitna ng mga pagsubok na dulot ng patuloy na lumalaganap na nakamamatay na peste. Ang debosyon kay Sto. Nino samakatuwid ay prueba ng di natitinag na tiwala natin sa Panginoon.

Sa huli saad ng Simbahan, “the Philippines has endured much suffering in the past 500 years, but the Sto. Niño has been with us the whole time. As humble children of God let us adore him, and strive to imitate him in joyful obedience to the will of our Heavenly Father.” Nawa ang malalim napamimintuho natin sa Banal sa Sanggol bilang bansa ang magligtas sa atin sa hagupit ng Covid-19. Patuloy lang nating isuko ang sarili sa Kanyang patnubay at pangangalaga.

Ngayong Pista ni Sto. Niño paalala ng Iglesya: “God the great and powerful One, came to us as a child when Jesus was born into a family.” Kumbinsido ang Simbahan na lahat tayo ay miyembro ng pamilya ng Diyos, lahat tayo ay minamahal Niyang mga anak. Dalangin ng Iglesya ngayong araw na tanang mananampalataya ay maging kawagis ng Banal na Sanggol. Isang biyaya ayon sa Simbahan ang matuklasan ang galak sa pagsasailalim ng sarili sa Poon nang buong tiwala, kumpiyansa at pagpapakumbaba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.