Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pitmaster Foundation katuwang sa charity drive ng NCRPO

0 66

Lingid sa kaalaman ng karamihan, taon-taon ay naghahatid ng tulong ang PNP National Regional Command ng ayuda sa mga mahihirap na kababayan sa Metro Manila.

Ang ayuda ay donasyon mula sa mga private sector at kontribusyon na rin ng mga pulis para sa mga kapus-palad.

Ngayong taon, nagpadala ng isang trak na bigas ang Pitmaster Foundation bilang ambag sa charity drive ng NCRPO sa pangunguna ng kanilang hepe na si Maj. Gen. Vicente Danao.

Ani Atty. Caroline Cruz hinggil sa nasabing donasyon, “ibinabalik lang po natin ang mga blessings sa mga kababayan natin na labis na nangangailangan”.

SM food to go Banner Ad

Personal na tinanggap ni NCRPO CHIEF Maj. Gen. Vicente Danao ang donasyon mula kay Pitmaster Foundation Executive Dir. Caroline Cruz ang nasabing bigas.

“Bukas po ang Pitmaster Foundation sa mga nangangailangan anytime of the day”, dagdag pa ni Cruz.

Ayon pa kay Atty. Cruz, “eto naman po ang vision ng aming Chairman na si Mr. Charlie “Atong” Ang na laging tulungan ang mga mahihirap sa anumang aspeto”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.