Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PitMaster tuloy ang pag-ayuda

0 92

Ipinayag ni PitMaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, na tuloy-tuloy ang pagtulong ng kanilang grupo sa mga Pilipinong apektado ng pandemya.

Naging panauhin si Atty. Cruz sa SABONG On Air, ang bagong segment ng Radio Program sa DZME, nito lang isang araw at ayon sa kanya, hindi tumitigil ang kanilang grupo sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Ikinuwento niya via zoom conference kay Ka Rex Cayanong, ang host ng SABONG On Air, na naging abala ang PitMaster Foundation group sa panahon na inilagay sa ‘Granular Lockdown’ ang ilang lugar sa Maynila.

Hinirit pa ng abogda, na sa LGU nila ipinapadala ang tulong sa mga naapektuhan ng ‘Granular Lockdown’ dahil ito ang nakakaalam kung sino ang mga dapat maayudahan.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sila kasi ang nakakaalam ng listahan,” panapos ni Atty. Cruz.

Katuwang ng SABONG On Air ang WPC at PitMaster Cares at mapapakinggan sa DZME 1530 KHz AM tuwing Biyernes mula alas tres hanggang alas-4 :00 nang hapon.

Mapapanood din sa YouTube. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.