Abante Tonite Interactive

Pitong sunod sa Warriors

78

MILWAUKEE — Rumatrat si Kevin Durant ng 33 points, humukay si Klay Thompson ng 25 sa kanyang 29 sa second half, at tinakasan ng Golden State Warriors ang Milwaukee Bucks, 124-121, sa 71st NBA 2016-2017 season eli­minations, Linggo (Manila time), para sa kanilang seventh straight victory.

Bumentahe ang Warriors nang hanggang 14 bago mga sumingasing sina Jabari Parker at Giannis Anteto­kounmpo na mga kinamao ang 13-4 run sa fourth quarter na nagpadikit sa MB sa 122-120, may 2 1/2 minutes sa tapos ng three-point play ni Parker.

Nagdesenyo ang mga fans ni Rowdy Bucks upang mabulaga ang Golden State sa Bradley Center, gaya sa last season.

Palitan tapos ang da­lawang teams ng empty possessions bago ang nakakangilong defensive effort ni Draymond Green sa last 10 seconds. Tinapik ni Green ang inbound pass na para kay Antetokounmpo, nakakuha si Thompson ng foul pagkalipas makuha ang loose ball.

Walang kabang sinalpak ni Thompson ang parehong free throws sa nalalabing walong segundo para sa four-point lead.

Umararo si Antetokounmpo ng 30 points, samantalang nakapader si Parker ng 28.

PHILADELPHIA — Tumakal naman si Joel Embiid ng career-high 26 points upang giya­han ang 76ers sa pagmasaker sa Phoenix Suns, 120-105, sa Wells Fargo Center.

Maagang umangas ang Sixers sa 32-point first quarter lead tungo na sa victory, na pangatlo sa 10 sabak.

Naglaro lang si Embiid ng 20 minutes, naka-9 for 14 kabilang ang 3 for 5 sa three-point line.
May season-high 21 points si Nik Stauskas sa panig ng Philadelphia, na nakabuwelo buhat sa pagbulagta kontra Minnesota Timberwolves.