Abante Tonite Interactive

Piyesta sa Silang

By
203

Talagang inaabangan ang piyesta sa bayan ng Silang, Cavite dahil sa parada ng mga musiko.

Pero ngayong taon, mas pinatingkad pa ang selebrasyon dahil may mga kakaibang bumida sa parada – mascot ng mga sikat na cartoon characters!

Iisipin mong ika’y nasa Disneyland. Pre­sent sina Spongebob at Patrick, Mickey Mouse at Minnie Mouse, Donald Duck, Minions at Hello Kitty. Ilan lang ito sa mga nakatutuwang mascot na pumarada at nagpasaya sa mga Silangueño, maging sa mga bi­sita, mapabata man o matanda.

Kanya-kanyang ­selfie ang mga taong nag-aabang sa kalsada.

Espesyal din ang piyesta sa Silang ngayong taon dahil pormal nang kinilala bilang ‘National Cultural Treasure’ ang simbahan at retablo ng Nuestra Señora de Candelaria, ang patron ng bayan.

Ayon kay Most Rev. Reynaldo Evangelista, Obispo ng Imus, “nawa’y ang ipinagkaloob ng National Museum of the Philippines ay lalong magpatingkad sa kaha­lagahan ng simbahan at sa pananampalataya ng mga Katoliko.”

Sa panayam sa Radyo Veritas, sinabi naman ng Kura Paroko na si Fr. Marty Dimaranan na kailangang panatilihin ng mga kabataan ng susunod na henerasyon ang ganda ng simbahan.

Ang sa akin lang, kasabay ng sayang hatid sa atin ng mga piyesta – huwag sana nating kalimutang manala­ngin para magpasa­lamat sa mga tinatamasa n­ting biyaya. (with reports from Carl ­Patambang and ­Kevin Sayaman)