Abante Tonite Interactive

Plane crash sa Iran, 66 patay

By
4,022

Isang Iranian commercial plane ang bumagsak sa foggy at bulubundu­king  rehiyon  ng southern Iran na ikinasawi ng lahat ng 66 na pasahero nito.

Ang Aseman Airline ATR072, isang twin ­engine turboprop na ginagamit na short-distance regional flying, ay nag-crash malapit sa destinasyon nito sa Iranian city ng Yasuj,  may layong 780 kilometro sa katimugang bahagi ng Tehran, ang kabisera ng Iran.

Ayon kay Aseman Airlines spokesman Mohammad Tagh Tabatabai, ­lahat ng lulan na pasahero ng EP3704 ay namatay.

“After searching the area, we learned that unfortunately … our dear passengers had lost their lives,” sabi ni Tabatabai sa national TV. “This plane had 60 passengers, 59 adults and one child, as well as a pilot, a co-pilot, two flight attendants and two air marshals on board,” dagdag pa nito.

Dahil sa poor visibility dulot ng makapal na fog o hamog, nahirapan ang mga rescue helicopter na matunton ang crash site sa Zagros Mountains. Bumagsak umano ang eroplano sa Mouth  Dena na may 4,400 metro ang taas.

Ang Aseman Airlines na pag-aari ng Iran’s ci­vil service pension foundation ay isang semi-private  na eroplano na bumibiyahe sa mga tagong lugar sa Iran.  May biyahe din ito sa ibang bansa at pa­ngatlo sa pinakamalaking airline ng Iran kabilang ang Iran Air at Mahan Air.