Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Plano para matalo ang COVID, ilatag sa SONA – Recto, Sotto

0 243

Umaasa ang ilang lider ng Senado na maririnig nila sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng gobyerno para manalo sa laban kontra COVID-19 pandemic.

“The principal audience of the SONA are not the politicians inside the hall but the people outside. It is not for the consumption of the people who may clap in the President’s presence, but for the sovereign (people), (to whom) the SONA through the ages tries to answer the one question on their minds: Have our lives gotten better?” pahayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Nakatakda ang SONA ni Duterte sa Hulyo 27, sa araw ng pagbubukas ng second regular session ng 18th Congress.

“In the time of the pandemic, the SONA should dwell less on what has been done and more on what is to be done. Magsasaka man o millennial, ‘yan ang kanilang hahanapin sa mensahe ng Pangulo, ang landas tungo sa kinabukasan,” sabi pa ni Recto.

Umaasa rin si Senate President Vicente Sotto III na ihahayag ni Duterte ang recovery plan ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.

“I would like to find out the exact state of our nation, that is the purpose of the SONA. More particularly on the issue of the pandemic, ‘yon ang magandang makita natin,” pahayag ni Sotto sa online interview noong Miyerkoles.

“Figures from the President and then what has transpired and how government spent and what would be the proposal for the next few months even with the pandemic,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.