Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Plantasyon ng marijuana sinilaban

0 262

KULANG sa P2 milyong halaga ng `dried marijuana leaves’ ang pinagbubunot at sinunog ng mga operatiba sa Sitio Ampana, Barangay Badeo, Kibugan, Benguet noong Lunes ng umaga, ayon sa La Union Police Mobile Force Command (LUPMFC).

Sa report, nangyari ang raid alas-11:30 ng umaga sa Sitio Ampana ng nasabing bayan.

Ayon sa LUPMFC, itinimbre ng isang residente ang mga nakatamin na marijuana sa Sitio Ampana.

Sa tulong ng ibang ahensya ng pulisya sa Region 1, nagsagawa ang pagsalakay at nakubkub ng mga pulis ang dalawang plantation ng marijuana na nagkakahalagang P1.9 million.

Agad namang sinunog ang marijuana. Walang suspek na nahuli sa operasyon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.