Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Plantito kalaboso sa minanyak na ka-chat

0 81

Pinosasan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki matapos ireklamo ng magulang ng 14-anyos na babae na pinagbantaang ikakalat sa social media ang mga hubad na larawan at kanilang “sex conversation” kapag hindi nakipagkita sa kanya para makipagtalik sa Tagaytay City.

Dinampot ng mga ahente ng NBI-Cavite District Office ang suspek na si Froilan Estolano alyas ‘Migz Jacob Javier’, nasa hustong edad.

Nabatid na dumulog sa NBI ang dalagita na taga-Cavite para ireklamo ang suspek. Ayon sa biktima, nagkakilala sila ng suspek na isang flower/plant trader at taga-Pasong Langka, Silang, Cavite sa Facebook.

Aksidente umanong nadiskubre ng ina ng biktima ang palitan ng malalaswang mensahe ng dalawa.

Sa salaysay ng biktima, pinipilit siya ng suspek na makipagkita sa huli para makipag-sex. Nagbanta rin umano si Estolano na ikakalat sa social media ang kanilang sex conversation kapag hindi siya nagpadala ng nude photos kaya napilitan siyang magpadala.

Naalarma umano ang ina ng biktima nang makita ang video ng hubad niyang anak kaya kinompronta ang anak at inamin naman nito na siya ay nahikayat ng suspek na makipag-sex chat. Sinabi rin ng dalagita na pinadalhan siya ng pera ng suspek, isang beses sa GCash.

Nitong Mayo 27, ginusto ng suspek na makita nang personal ang biktima at nagbantang kapag tumanggi ay ikakalat ang kanilang malaswang chat at hubad na larawan.

Pumayag ang biktima na makipagkita sa suspek, Hunyo 17, sa isang fast food chain sa loob ng isang mall sa Tagaytay City, at doon na inaresto ang huli ng mga ahente ng NBI. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.