Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Plantito tepok sa heat stroke

0 222

Todas ang isang magsasaka matapos itong ma-heat stroke habang nagdidilig ng kanyang pananim sa isang bukid sa Malasiqui, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ng Malasiqui Police Station ang biktima na si Noli Arcilla, 59, ng nasabing bayan.

Sa report, pumunta umano ang biktima sa bukid para magdilig ng kanyang pananim nang bigla itong mawalan ng malay.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa pulisya, nakita ng mga batang nangunguha ng bunga ng duhat ang katawan ni Arcilla sa gitna ng bukid bandang alas-4:55 ng hapon at agad na tumawag ng saklolo.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital ngunit siya ay dead-on-arrival, ayon sa mga doktor na nagsabing heat stroke ang dahilan ng pagpanaw.

Pinapayuhan ng health authorities ang madla na iwasang direktang mababad sa araw mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Ayon sa mga health expert, kung hindi maiiwasang magbabad sa init, dapat magsuot ng panangga sa araw at magdala ng inuming tubig. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.