Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Plastic bag lang sa BBM inagurasyon

0 79

Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang transparent plastic bag policy para sa mga nais dumalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na gaganapin sa National Museum sa Hunyo 30.

“Unang-una the implementation lalong-lalo na `yong pagpunta dito sa area will be very strict. Ipinagbabawal natin `yong pagdadala ng mga bag and any other covered materials. We will only allow transparent materials. Kahit `yong mga lalagyan ng tubig na cannisters na de color ipinagbabawal din po `yan,” ayon kay PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicnte Danao Jr sa ginawa niyang inspeksyon sa paligid ng National Museum kahapon ng hapon.

SM food to go Banner Ad

“If possible magdala tayo ng pamaypay, konting damit siguro para papalitan kung siguro mabasa ng pawis and then `yong transparent materials lang katulad ng plastic na puwedeng inuman at paglagyan ng gamit,” dagdag ng opisyal. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.