Abante Tonite Interactive

Plastic ban sa mga tanggapan ng gobyerno bantayan

508

Inaasahang sa mga susunod na araw ay bihira na o kung ­hindi man ay wala ng makikitang mga plastic na gamit sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno, mula sa national hanggang local level, sa sandaling maging epektibo ang kautusan ng Department of Environment and Natio­nal Resources (DENR).

Alinsunod ito sa inaprubahang resolu­syon ng nabanggit na ahensiya para ipagbawal ang single-use plastic na hindi naman lubhang kaila­ngan sa mga opisina, sa layuning mapigilan ang mas lalo pang pag­lubha ng polusyon, pagkamatay ng mga organismo sa karagatan at makadagdag sa basurang nakasisira sa kapaligiran.

Marahil hindi pa naman huli ang ­naisip na hakbang na ito ng DENR pero ang dapat sigurong tu­tu­kan sa ­sandaling maipa­tupad ito ay ang mahigpit na implementasyon sa ­lahat ng mga tanggapan ng gobyerno sa ­buong bansa.

Aminin man natin o hindi, marami pa ring mamamayan ang salaula at walang disiplina kaya kaila­ngan ng DENR ang kamay na bakal para sa implementasyon nito.

Kahit saan magpunta, kahit saang sulok ay mayroong mga nakikitang kalat na gawa sa plastic at walang pakialam at malasakit ang mga mamamayan para itapon sa tamang lugar ang mga patapong plastic.

Kabilang sa ipagbabawal sa mga tanggapan ng gobyerno ay plastic cup na may 0.2 millimeter ang kapal, plastic straw, coffee stirrer, plastic na tinidor at kutsara, plastic na panghiwa, plastic labo at sando bag na hindi natutunaw.

May ilang establisimiyento na ngayon na gumagamit ng environment-friendly plastic bag na natu­tunaw kalaunan pero iilan lamang ito kumpara sa mayorya ng mga Pilipino na gumagamit ng mga plastic na toxic at peligroso sa ibang mga nabubuhay sa ilog at karagatan.

Inaasahang ilala­bas ng DENR ang guideline para dito upang magkaroon ng gabay ang lahat ng mga taga-gob­yerno sa pagbabawal ng single-use plastic.

Pero sa aking palagay, kahit walang mga panuntunan ay magagawa ito hindi lamang ng mga taga-gobyerno kundi ng pribadong sektor at mga indibidwal kung gagamitin ang sentido kumon at disiplina sa katawan.

Marami lang tala­gang mga Pinoy na walang paki­alam at malasa­kit sa kalikasan ka­ya dapat ngayon pa lang ay mag-isip-isip na at gawing adbokasiya ang hindi paggamit ng plastic bilang tulong sa panga­ngalaga sa kalikasan.

Hindi naman ito mahirap gawin kung talagang gugustuhin kaya simulan na ngayon pa lang bago pa dumating ang paniningil ng panahon at kalikasan dahil sigurado ako, mas malaking pinsala ang idudulot nito sa sangkatauhan.