Abante Tonite Interactive

Plastic sa Starbucks ‘di na uubra

2,940

Para sa kaalaman ng mga kostu­mer na mahilig magkape at magbabad sa Starbucks, magpapatupad na rin ng phase out sa straw ang nasabing sikat na coffee shop.

Ayon sa Starbucks. bilang kanilang pakikiisa sa pagsugpo sa polusyon na idinudulot ng disposable plastic, sa pagpasok ng 2020 ay aalisin na nila ang lahat ng straw sa 28,000 nilang stores sa buong mundo.

Ayon sa kompanya, sa halip na plastic straws ay recyclable lids na may maliit­ na opening na lamang ang kanilang gagamitin. Ito anila ay idinaan pa sa serye ng testing sa US at Canada.

Mula sa nasabing taon, ang mga malalamig nilang inumin ay kanilang ise-serve gamit ang baso na mayroong sipping lid.

Paper straws naman ang kanilang ipapagamit sa mga produkto nilang ‘frappuccino’, na may halong yelo.

Ang pasyang ito at pakikiisa ng global coffee giant na Starbucks ay sinaluduhan naman ng ilang grupo partikular na ang Ocean Conservancy.