Abante Tonite Interactive

Plastik makisama si NSA president

By
1,159

Dating friendly itong national sports association (NSA) president na kinukonsidera noon na isa sa mga potential bet sa top post ng Philippine Olympic Committee (POC).

Mabangong-mabango siya sa mga kapwa niya presidente ng NSA noon bago maupo ang kasalukuyang administrasyon ng POC.

Madalas na kasama sa kabi-kabilang biyahe sa loob at labas ng bansa hindi lamang sa kanyang NSA kundi pati na sa POC si NSA president, dahil sa kanyang kahusayan sa pagiging friendly.

Subalit biglang nagbago ang ihip ng hangin kay NSA president matapos masilip na hindi pala lehitimo ang kanyang asosasyon at naging dahilan upang makuwestiyon pati na ang kanilang buong liderato.  

 
Minsan na may hinihintay si NSA president ay nilapitan ito ng ilang kakilala para kamayan subalit agad itong lumayo at agad na sumakay sa nakaparada nitong sasakyan.

Biglang lumabas ang tunay na kulay ni NSA president na hindi pala friendly kundi friend user.

May letrang ‘M’ si NSA president, as in ‘Mapagpanggap’.