Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Plate number ng mga dumukot sa 6 magtotropa, peke

0 130

Gumamit ng mga pe­keng license plate ang mga suspek sa nangyaring pagdukot sa anim na magkakabarkada sa Batangas.

Sa panayam kay Laurel, Batangas Police Chief Capt. Errol Frejas, base aniya sa ginawang beripikasyon sa LTO, lumalabas na mga pe­keng numero ang naka­lagay sa mga sasakyang ginamit ng mga suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Na-verify nga natin kasi meron tayong naku­hang plate numbers dito sa sasakyan na ginamit ng mga alleged suspect. Kasi ‘yong isa dito, ‘yong plate number na bini­gay ay naka-register sa isang Nissan Navara at wala naman po tayong nakikitang Nissan Na­vara sa mga vehicle ng suspect. At ‘yong isa na­man po ay sa Innova na naka-register sa may-ari ay nasa Talisay, Cebu.”

Biyernes ng umaga hinarang ng mga suspek na sakay ng apat na sa­sakyan ang Mitsubishi Xpander na sinasakyan ng mga biktima sa Tagay­tay-Nasugbu road galing sa outing sa Lian, Batan­gas. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.