Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Playboy na faith healer inambus

0 313

Love triangle ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang faith healer na binaril ng hindi pa kilalang salarin habang nakaangkas sa motorsiklo ng kanyang pinsan, Martes ng madaling araw sa bayan ng Balamban, Cebu.

Kinilala ang nasawing biktima na si Dionesio Candia Otapil, 48, taga-Barangay Vito ng nabatid na bayan. Sugatan naman ang pinsan nitong nagmamaneho ng motorsiklo na si Vingie Otapil Candia, 26, matapos tamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat ni Balamban Municipal Police Station Chief of Police Major Christian Torres, naganap ang pamamaril alas-5:00 ng hapon sa Sitio Lacdon, Barangay Prenza.

SM food to go Banner Ad

Magkaangkas sa motorsiklo ang magpinsan nang pagbabarilin ng riding in tandem na mabilis ding tumakas ng mapuruhan si Otapil.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang napatay na faith healer ay maraming karelasyon at ilan sa mga ito ay may-asawa. Bukod pa umano ito sa tatlong kinakasama ng biktima, isa sa Cebu, isa sa Zamboanga at ang isa ay nasa abroad.

Sinabi pa ni Torres na posibleng isa sa mga asawa ng nakarelasyong babae ng manggagamot ang may kagagawan nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.