Abante Tonite Interactive

Player of the Week:JP Erram

By
156

Unti-unting nagagamay ni Poy Erram ang bago niyang role sa NLEX, steady na ring umaahon sa PBA Philippine Cup elims ang Road Warriors.

Nabingwit ng NLEX mula Blackwater nitong offseason, solido sa loob si 6-foot-8 Erram, lalo sa defensive end.
Pinakahuling highlight niya nang butatain ang panabla sanang short stab ni Ranidel de Ocampo sa dying seconds at napreserba ng Road Warriors ang 87-83 win laban sa Meralco sa Petron Saturday Special ng all-Filipino sa Antipolo.
Hindi na nasorpresa si coach Yeng Guiao sa ginawa ni Erram.

“That’s really the role Poy Erram plays for us, defensively,” anang NLEX coach. “I’m not surprised he did that because that’s his role for the team.”

Abante Hiring – IT dep

Nag-deliver ang 29-anyos na big man ng all-around performance na 12 points, 8 rebounds, 7 assists at game-high 5 blocks para ihatid ang Road Warriors sa panga­lawang sunod na panalo matapos ang 0-3 start.

Sa kanyang kabayanihan, si Erram ang tinanghal na Cignal-PBA Press Corps Player of the Week (Jan. 28-Feb. 1).