Abante Tonite Interactive

Player tinabla ni exotic dancer

By
0 973

Mahirap tanggihan at hindi matanggap minsan ng isang superstar na player na aayawan mo ang kanyang hiling.

Ito ang nangyari sa isang popular player na lumabas ang pagkamaldita nang makakita ng mga exotic dancer na naglalakihan ang patong-patong na mga abs.

Ninais ni player na mahawakan ang mga naglalakihang muscle ng isang lalaking exotic dancer habang naglalasing ito sa isang club. Gayunman, hindi ito napagbigyan ng exotic dancer dahil kasama naman nito ang kanyang girlfriend na isa ring dancer.

Ilang beses na tinangka ni player na mapagbigyan ang kanyang kahilingan habang pilit na kinukumbinsi si male exotic dancer na sumama sa kanya pero patuloy itong tinanggihan.

Dahil sa napahiya ay nagtaray ang player at pinilit pa nitong dinamba si male exotic dancer hanggang magpagulong-gulong sila sa sahig. Kahit na nagkagulong-gulong, hindi pa rin napapayag ni player si male exotic dancer.

Sa huli ay napagtanto ni player na kahit marami ka nang pambayad ay hindi pa rin masusunod ang iyong gusto. Hanep ka rin ha!