Abante Tonite Interactive

Playing career ni Banal pinahaba ng Bacoor

359

Nalagay sa alanganin ang basketball career ni Gabriel ‘Gab’ Banal dahil muntik nang hindi makalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Halos kumpleto na ang lineup ng bawat team na kasali sa liga. Mabuti na lang at lumahok din ang Bacoor City.

“It was the last MPBL team to be formed and I had no team that time,” pagtatanaw-balik kahapon ni 29-anyos, may taas na 6-foot-3 na ex-pro.

Nakuha si Banal na 22nd overall pick sa 2014 Philippine Basketball Association (PBA) draft, pero nakaapat na laro lang siya sa NorthPort noong 2015 hanggang 2017 makaaran sa kolehiyo sa De La Salle University at Mapua University.

Kuminang siya sa labas ng pro league bago napunta sa MPBL. At kinatawan na rin niya ang bansa sa International Basketball Federation (FIBA) 3×3 Challenger, Asia League at William Jones Cup.

Inakbayan ni Banal ang Go for Gold Scratchers sa PBA D-League Foundation Cup title noong 2018.

Bago sumanib sa Bacoor Strikers, pumasok na sa kanyang kukote na aangklahan ang team sa asam na titulo.

“My overall experience with Bacoor was great. It’s in Bacoor where I really got to develop my game,” panapos na saad ni Banal.

Tonite – Wendys Inhouse Ad