Abante Tonite Interactive

Playing time problema nina Tolentino, Balanza

521

Kahit may kontrata na sina rookies Arvin Tolentino at Jerrick Balanza sa Ginebra, ang susunod na poproblemahin ng dalawa ay playing time.

Makakasingit kaya sila sa rotation ni coach Tim Cone?

Si Teytey Teodoro, bilang sa daliri ang minuto niya sa loob. Natapos ang kanyang rookie season, hindi na rin ni-renew ang kontrata.

Stretch four si Tolentino sa FEU Tamaraws noon, pero puwede sa loob. Hindi pa lang siya pambalya.

Si Balanza na kampeon sa Letran Knights ay guard, may tira rin sa labas at may depensa.

Naoperahan ng brain tumor noon si Balanza at nakabalik.

Hindi nakasingit noon si Teodoro kina LA ­Tenorio, Scottie Thompson at lalo nang naburo nang dumating si Stanley Pringle.

Wala nang Greg Slaughter at pinakawalan din si Julian Sargent, nakulangan ng tao ang Gins.

Sigurado, mag-eeksperimento si Cone sa kanyang lineup para makuha ang tamang timpla.

Dito baka magkaroon ng tsansa sina Tolentino at Balanza na makasingit sa rotation. (Vladi Eduarte)