Abante Tonite Interactive

Pldt-Mvp ayaw itigil ang endo, utos ni Duterte susuwayin

By
791

Malinaw sa aksyon ng pamunuan ng PLDT na pag-aari ng 71-anyos na binatang negosyanteng si Manny Pangi­linan na hindi sila tutugon sa direktiba sa mga kompanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na lusawin ang contractua­li­zation o ang endo.

Ito ay matapos kumpirmahin ng PLDT na patuloy pa rin nilang isinusulong ang petis­yon ng kompanya sa Court of Appeals na suriin ang kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pagpaparegular sa kanilang mga empleyado.

Sa datos na inilabas ng DOLE, pangatlo ang PLDT sa mga malalaking kompanya na mayroong mga empleyado na endo. Nasa 8,310 ang mga endo employee ng PLDT.

Kahapon ay sinugod ng may 5,000 biktima ng endo ang sangay ng PDLT sa Boni Avenue, Mandaluyong City, at siningil sa kautusan ng DOLE na tuldukan na ang endo.

Bilang tugon sa apela ng mga biktima ng endo ay sinab­i ng pamunuan ng PLDT na pinoproseso na nila ang mga hakbangin.
Para mapahinahon ang mga nag-aalburutong mga contractual employee ay namigay pa ang PLDT ng mga personal information sheet sa mga tao.