Abante Tonite Interactive

PLDT-MVP bibo sa singilan, kulelat sa pagtugon sa reklamo

By
612

Napupundi na ang ilang subscriber ng PLDT na pag-aari ng 72-anyos na binatang negosyante na si Ma­nuel V. Pangilinan dahil sa mabagal na pag-aksyon sa pagsasaayos ng kanilang koneksiyon.

Isa na rito si Ray Espino na konsumidong-konsumido na sa PLDT na ayon sa kanya’y mabilis lang sa singilan pero kung pagsaayos na ang usapan ay sadyang napakabagal.

Kuwento ni Espinosa, nawalan siya ng internet connection noong Hulyo 4 kaya’t agad siyang tumawag sa PLDT para maayos ang koneksyon noong araw din na iyon.

Pagdating ng Hulyo 8, nag-follow up siya sa tanggapan ng PLDT sa SM Manila dahil hindi pa rin inaaksyunan ng PLDT ang request number niyang 266240240.

Muli siyang nag-follow up noong Hilyo 10 dahil wala pa ring taga-PLDT na pumupunta sa kanyang bahay para ayusin ang koneksyon.

Binayaran niya ang bill niya ng Hulyo 13 kahit Hulyo 16 pa ang due.

Dalawang linggo siyang nag-follow up sa internet connection pero walang tugon ang PLDT sa kanya. Naghintay aniya siya sa wala.

“Kung gaano kakupad magpadala ng mag-aayos ng internet koneksyon ang PLDT, ganoon naman ito kabibo magpadala ng bill,” sambit ni Espinosa matapos siyang padalhan ng bill noong Agosto 16.

Giit pa nito, sa halip na singilin siya, dapat pa niyang bigyan siya ng rebate dahil wala naman siyang nakukuhang serbisyo at matagal na rin siyang inaabala ng PLDT para sa kaka-follow up nito.

Tinanong ng Abante ang PLDT tungkol sa kaso ni Espinosa pero wala silang pahayag.