Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PLDT-MVP nilaglag sariling kontraktor

0 320

Nilaglag ng PLDT ni Manny V. Pangilinan ang mga kontraktor nang ang mga ito ang sinisisi ng kompanya sa pagtatanggal ng koneksyon ng mga subscribers kahit hindi pa dapat ito ginagawa dahil sa lockdown o modified enhanced community quarantine.

Sa isang official PLDT Facebook page, sinabi ng PLDT na nakatanggap ito ng mga ulat na nagpuputol ng linya ang mga contractors nito para may mga malibreng linya na kakabitan naman nito ng bagong subscribers.

“We have received reports of contractors disconnecting PLDT Fibr customers in order to free up ports for pending Fibr applications,” sabi ng PLDT.

Anito, mali ito at hindi dapat kinukunsinte. Anila’y iniimbestigahan na ang mga ulat para maaksyunan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Such activities are clearly improper and will not be tolerated. Our network and legal teams are currently investigating these reports and will take necessary actions against erring contractors,” sabi ng PLDT.

Gayunma’y wala diumanong pinagkaiba ang contractor sa mga subscribers dahil pag kumakatok sila sa mga bahay ay PLDT ang pakilala nila sa mga tao.

Sabi ni Nina Yap sa official FB page ng PLDT, “dito samin sa veterans village, tinatanggal sa cabinet ng pldt yung mga cable. Tapos para maayos at magpanibago at para abilis installation, magbabayad ka ng 3k. mga hayop kayo pldt. Wala kami net since nov pa.

Damang dama ni Apollo Cudia ang napuputol niyang koneksyon.

Sabi niya, “tuwing inaantay nila poste ng utelco sa Binictican Subic, nawawala ng wifi after 30 min wala ding landline signal. May sindikato kayo so unfair. Niloloko nyo mga customer. Magcall k busy palagi or answering machine sasagot. Sisingilin ka ng kumpleto gaya ko P3,700 dumating pano 10 days na wala akong wifi.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.