Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PLDT-MVP target tsugiin Sky cable

0 73

Nagpahayag ng pagkabahala si Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa plano ng telecommunications giant PLDT Inc. na bilhin ang Sky Cable Corp. na maaring magresulta sa paglaho nito at paghina ng kompetisyon.

“The deal may easily be construed as buying out the competition in order to kill it,” ayon ito kay Pimentel sa isang statement kasabay ng paniniwalang magdudulot umano ito ng seryosong usapin.

“There will surely be serious concerns about the business combination potentially reducing market competition and increasing the market power of the acquirer,” ayon pa sa kongresista.

Sakali aniyang matuloy ang plano, sianbi ng kongresista na inaasahan niyang masusi itong sisiyasatin ng antitrust regulators na siyang titiyak para mapairal ang patas at masiglang kompetisyon sa merkado para na rin sa benepisyo ng mga konsumer.

Sa ilalim ng batas, ang isang ‘business merger or acquisition agreements’ ay hindi maaring maisakatuparan nang walang approval o pagsang-ayon ng Philippine Competition Commission, na maaring magbasura sa transaksiyon na makakaiwas at makakabawas sa market competition.

“PLDT is in a position to conveniently replace all the products, including the high-speed Internet services, being offered by Sky Cable,” ayon kay Pimentel kasabay ng pagsasabing, “Existing Sky Cable subscribers might simply become PLDT Fiber and CIGNAL subscribers overnight.”

Kontrolado rin ng PLDT ang direct-broadcast satellite TV provider CIGNAL TV Inc. na nakikipag kompetensiya sa Sky Cable.

Matatandaang pinayagan na ni Pangulong Duterte na makapasok sa bansa ang pangatlong major telecommunications service provider, ang DITO Telecommunity Corp. upang higit pang palakasin ang kompetisyon parkular pagdating sa delivery ng superior internet services.

Una nang nilinaw ng PLDT na wala pang pinal na desisyon ukol sa napaulat na planong pagbili nito ng cable provider na Sky Cable Corp. bagama’t nananatiling bukas umano sila sa’ possible business opportunities.’

“PLDT regularly explores opportunities available to the group that may complement our overall business strategy. As such, PLDT is evaluating options with respect to SkyCable for possible opportunities,” pahayag ng PLDT sa Philippine Stock Exchange noong Lunes. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.