Abante Tonite Interactive

PLDT tinamaan sa endo — Fitch Ratings

375

Malaki ang naging epekto sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) ni Manny V. P­angilinan ang paghihigpit ng Department of Labor and Employment noong nakaraang taon dahil sa pag-e-endo ngunit inaasahan ng Fitch Ratings na makababawi ito at dadami muli ang magus-subscribe sa Fibr broadband nito.

Sabi ng Fitch Ratings kahapon, masigla ang labanan sa telecom sa Pilipinas dahil sa pagdating ng 3rd major player na Dito Telecommunity na pinangungunahan ng mga kumpanya ng negosyanteng si Dennis Uy at ng China Telecom.

Ayon sa Fitch Ratings, nagbuhos ng pera ang PLDT at ang Globe Telecom ng mga Ayala para sa capital expenditure para mapalakas ang kanilang mga serbisyo bago mag-umpisa ang Dito Telecommunity.

Aabot sa tatlo hanggang apat na bilyong piso ang gagastusin ng PLDT sa magkuha ng mga bagong technician at para sa mga installation w­orkers. (Eileen Mencias)