Abante Tonite Interactive

Plebisito sa Bangsamoro: ‘No’ wagi sa 13 bayan ng Lanao del Norte

0 138

Umabot sa 13 bayan sa Lanao del Norte ang bomoto ng ‘No’ sa naganap na plebisito, dahilan para hindi mapa­sama ang anim na bayan ng nasabing lalawigan sa Bangsamoro na una nang naghayag ng pagpabor.

Ang siyam pang ba­yan, kabilang ang anim na gustong mapasama sa Bangsamoro, ay bumoto naman ng ‘Yes’ ayon sa final and unofficial result ng plebisito.

Nakakuha ng kabuuang 157,629 na boto ang No habang 81,542 naman ang yes.

Kabilang sa mga bumoto ng Yes ang mga ba­yan ng Munai, Nunu­ngan, Pantar, Tagoloan, Baloi, at Tangkal na una nang naghayag ng pagsang-ayon na mapasama sa Bangsamoro. Pabor din ang mga bayan ng Pantao Ragat, Poona Piagapo at Salvador.

Ang mga bumoto naman ng No ay ang mga bayan ng Kauswagan, Linamon, Matungao, Bacolod, Baroy, Kapatagan, Kolambogan, Lala, Maigo, Magsaysay, Sultan Naga Dimaporo, Sapad, at Tubod.

Nagkaroon umano ng 71.53 porsiyento ng election turnout mula sa kabuuang 334,356 na rehis­tradong botante sa lalawigan.