Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PLM employee patay sa coronavirus

0 267

Nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang babaeng empleyado ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) Huwebes ng umaga.

Kinumpirma ng pamunuan ng PML ang pagkamatay ng babaeng empleyado na 57-anyos dahil sa COVID.

Base sa pahayag ng PLM, huling nag-report sa campus ang biktima noong July 9 at nakaranas ng flu-like symptoms nitong July 11. Lumala umano ang kondisyon nito ng sumunod na linggo kaya nagpa-swab test hanggang ma-confine sa isang ospital sa Maynila kung saan ito binawian ng buhay.

Kinumpirma rin ng PLM na dalawa pang empleyado nila ang nagpositibo rin sa COVID-19 at isa sa mga ito ang gumaling na habang nagpapagaling ang isa pa sa pagamutan.

Kaugnay nito, tiniyak ng PLM na walang COVID-19 transmission sa kanilang campus at nagsagawa na rin sila ng agarang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga empleyado nilang tinamaan ng virus. Nag-disinfect na rin sila sa buong campus.

Nabatid pa na simula noong Hunyo ay nagpapatupad na rin ang PLM ng mahigpit na health protocol sa kanilang limitadong mga empleyado na pumapasok sa campus. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.