Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PLM pinayagan face-to-face class

0 227

Nakatakda nang magsagawa ng limitadong face-to-face class ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) para sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong medicine, nursing at physical therapy.

Ito’y matapos na mag-isyu ng certificate of authority ang Commission on Higher Education (CHED) na natanggap ni PLM president Emmanuel Leyco noong Martes para sa limitadong face-to-face class.

SM food to go Banner Ad

Lubos naman ang pasasalamat ng PLM sa pagpayag ng CHED na makapasok na ang kanilang mga medical student.

Matatandaang una nang pinahintulutan ni Mayor Isko Moreno ang pagpapatuloy ng limitadong face-to-face class para sa mga medical school sa Maynila. (Issa Santiago/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.