Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PM Vargas tatakbong kongresista sa District 5

0 73

Nagpasa ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) National Capital Region si QC 5th district Councilor PM Vargas na tumatakbong Kongresista ng 5th district ng Quezon City.

Si Councilor Vargas ay personal na sinamahan sa pag-file ng kandidatura ni Mayor Belmonte at ng kanyang kuya na si 5th District Congressman Alfred Vargas na kanyang papalitan sa puwesto kung saan matatapos na ang termino ngayon.

Nagninging ang pangalan ng magkapatid na Vargas sa public service laluna nitong pandemic dahil sa pagkakaloob ng ayuda sa mga komunidad sa naturang distrito tulad ng pagkain, medical supplies at gamit pang-eskuwela ng mga batang nasa online learning.

Nagbigay din ito ng ng ibat ibang livelihood projects o pagkakakitaan ng mga taga distrito tulad ng dagdag puhunan sa sari sari store, street vendor carts at patuloy na pinamumunuan ni Coun PM Vargas ang pagkakaloob ng bakuna kontra COVID sa SM malls sa Novaliches at Fairview.

Leave A Reply

Your email address will not be published.