Abante Tonite Interactive

PNoy sinisi sa mga patayan sa bansa

By
2,316

Binuweltahan ng Malacañang si da­ting Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa naging batikos nito sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mahalaga sa kanya ang buhay kaysa human rights kaugnay sa kampanya sa iligal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa panahon ni dating Pangulong Aquino napansin ng Uni­ted Nations na tila nagkulang na pangalagaan ang buhay lalo na sa mga napatay na mga mamamahayag.

Wala rin naman aniyang matinding ginawa ang Aquino administration para proteksiyunan ang buhay ng ­mamamayan.

“I wish he did more also in protecting human life. Because it was du­ring his administration too that UN also noticed that we were in breach of our obligation to right especially on the killings of journalists as well.

“As a former President, he shares partly in the blame for this culture of impunity,” ani Roque.