Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP: 6 buwan kulong sa pekeng booking ng order

0 398

Nagbabala ang kapulisan sa mga umoorder ng mga item para makapambiktima ng mga delivery rider at kostumer.

Ayon kay Manila Police District Director P/BGen. Leo Francisco, maaaring makulong ang nasa likod ng fake booking hanggang 6 na buwan na nambibiktima kahit pa pandemya.

Kasunod ito ng ulat hinggil sa isang babaeng vlogger na nabiktima ng fake booking. Umabot sa P15,000 ang iba’t ibang item na pinadala sa kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Rosmar Tan, dumating sa kanya ang iba’t ibang pagkain, milk tea, manok, pizza, shawarma at mayroon pang sex toy.

Isang delivery rider ang nag-text sa numerong umorder sa kanya at sumagot ito at sinabi na ipaalam kay Tan na bigyan siya ng P5,000 para itigil ang ginagawang fake booking.

Inatasan na ni Francisco si Tan na pormal na magreklamo sa Anti-Cybercrime Division para ma-track ang suspek at mapanagot. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.