Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP aalalayan 17 pulis sa tinodas na mag-asawa

0 161

Karapat-dapat umanong makatanggap ang 17 operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng lahat ng legal na remedy sa kabila ng kinahaharap nilang kasong murder na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagkamatay ng isang mag-asawang aktibista sa Batangas.

Sinisiguro ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos na matutulungan ang 17 operatiba ng PNP-CIDG Region 4-A na nasasangkot sa kasong pagpatay sa mag-asawang Ariel at Ana Mariz Lemita-Evangelista.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“This is among the occupational risks faced by police personnel arising from service-related circumstances and regular performance of duty. Our personnel deserve to avail of all legal remedies provided by law.”

Nanindigan din ang hepe na ‘legitimate police operation’ ang nangyari sa Nasugbu, Batangas at iba pang police raid sa Calabarzon noong Marso 7, 2021 na binansagan bilang ‘Bloody Sunday’ dahil nagresulta ito sa pagkamatay ng mga Evangelista at ng pito pang aktibista. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.