Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP abangers sa drug case kay Ongpin

0 77

Malugod na tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang pinakahuling development sa kasong isinampa laban kay Julian Ongpin na may kinalaman sa iligal na droga.

Si Ongpin ay itinuturing na person of interest sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson sa isang resort sa La Union.

Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa drug complaint laban kay Ongpin, anak ng bilyonaryong negosyante na si Roberto Ongpin, at ipinasa na “for resolution” dahil wala nang ibang isyu pa na inilabas ang kampo ni Ongpin at ang mga pulis.

“Sa ngayon, hintayin na lamang natin ang magiging desisyon sa isinampang reklamo laban kay Julian Ongpin. Buo ang ating tiwala na madedesisyunan nang tama ang reklamong ito laban sa kanya,” pahayag ni PNP chief General Guillermo Eleazar.

Related Posts

“We also assure the public that the PNP will continuously cooperate with the NBI in the investigation into the death of Bree Jonson because we also would like to know the truth on this case,” dagdag ni Eleazar.

Sinampahan ng kasong may kinalaman sa iligal na droga si Ongpin dahil sa nakuhang 12.6 gramo ng cocaine sa kuwarto na kanilang inokupa ni Jonson sa isang resort sa La Union kung saan ito natagpuang patay noong Setyembre 18.

Inilibing na sa Davao si Bree noong isang linggo.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang PNP gayundin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.