Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP aminadong sablay sa Dacera case

0 287

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na nagkaroon ng procedural lapses sa paghawak ng pag-iimbestiga ng Makati City police sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay PNP Spokeperson Police Brig Gen. Ildebrandi Usana, ang pagbibigay ng maagang pahayag ng chief of police ng Makati City PNP hinggil sa rape with homicide gayong hindi pa naisasailalim sa autopsiya ang bangkay ni Dacera gayundin ang pag-embalsamo muna sa bangkay bago ito i-autopsiya ng medico legal ng PNP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Na-embalsamo po kasi yung bangkay ng biktima bago po nagkaroon ng autopsy don po sa katawan, kaya nga po yung claim ng chief of police na merong semenal fluid may have probably been destroy at the time of the embalming happen,”pahayag ni Usana sa isang panayam.

Ang ganitong sistema ayon pa kay Usana ay isang malaking pagkakamli sa pag-iimbestiga ng isang criminal case.

“Kasi yung pag-eembalsamo ay lilinisin na po eh, ang mangyayari po don ay may mga gamot na po yung body ng biktima at isinagawa po ito ng medico legal officer ng PNP so ito’y malaking kathang isip sa proseso po ng investigation na bago sana inembalsamo ay binigyan sana ng autopsy examination po yung bangkay,” paliwanag ni Usana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.